Isang rider ng Backride Palawan, titigil nang bumiyahe dahil sa takot na mahuli

Titigil na umanong mamasada o kumuha ng pasahero ang isang rider ng Backride Palawan, na ayon sa BPLO ay ilegal at walang permit para mamasada.

Sa programang Tira Brigada ay inamin ng hindi nagpakilalang rider na natatakot siyang mahuli sa mga operasyon ng awtoridad sa mga susunod.

Hindi rin daw niya matiyak kung matutulungan siyang magtubos ng lisensya kapag siya’y nahuli.

Una rito ay nagbabala ang PNP – Highway Patrol Group sa may-ari ng Backride na hindi siya magdadalawang isip na hulihin ang mga rider nito kung walang maipapakitang legal na dokumento.

Hinikayat rin ng Business Permit & Licensing Office ang mga rider nito na mag-apply na lamang sa mga lehitimong delivery services sa Puerto Princesa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *