Isang team mula sa DFA at DMW nakatakdang ipadala ng pamahalaan sa Kuwait

Isang team mula sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers ang nakatakdang ipadala ng pamahalaan sa Kuwait para makipag-usap sa kanilang gobyerno sa susunod na linggo.

Ito ay matapos isuspinde ng Kuwaiti government ang pagbibigay ng bagong entry visa sa lahat ng Pilipino simula noong May 10 maliban na lamang ito sa may residence card o civil id.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, sinisiguro ng pamahalaan na nananatiling maayos ang relasyon sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.

Sa datus ng DMW, middle east pa rin ang pangunahing destinasyon ng mga overseas filipino workers kung saan pumalo ng halos kalahating milyon ang deployment noong 2022.

Mahigit isang daang libong pinoy ang nagpunta sa Kuwait na ikatlo sa pinakamataas na deployment ng mga pinoy sa Middle East.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *