Isang Youtuber na superfan ng 1997 Hollywood movie na Titanic, planong magkaroon ng 1M na kopya VHS nito

Isang Super fan ng 1997 Hollywood movie na Titanic ang isang nakilala lang sa alyas na JD, na kilala sa YouTube sa username na TitanicFan97.

Mahilig ka rin ba mangolekta ng mga bagay na talagang kinagigiliwan mo?

Ganito kasi ang nangyari kay alyas JD ma kilala sa Youtube bilang si TitanicFan97 na residente ng Largo, Florida, USA.

Matatandaan na ang Titanic film naisakatuparan sa direction ni James Cameron, at tinampukan nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet.

Nagwagi ito sa 1997 Academy Wards ng Best Picture, Best Original Music Score, Best Music – Song, Best Cinematography, Best Film Editing, Best Visual Effects, Best Production Design, Best Costume Design, Best Sound Mixing, and Best Sound Editing.

Sa mistulang pagka-obsessed ni JD sa naturang film, nangongolekta siya ng VHS copies nito.

Sa kasalukuyan, umabot na ang kaniyang koleksiyon sa 2,467 copies na kopya nito.

Dahil nga sa talagang fanatiko at nahuhumaling si JDF rito, target niya sa ngayon na mapaabot ito sa isang milyong kopya.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *