Joint special full council meeting ng provincial peace and order council (ppoc) at anti-drug abuse council, isinagawa

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ang Joint Special Full Council Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Anti-Drug Abuse Council para sa reorganization ng mga miyembro at finalization ng 2023-2025 Peace and Order and Public Safety (POPS).

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Gov. Noel Rosal kasama ang Albay Police Provincial Office (PPO), APSEMO at iba pang tanggapan.

Napag-usapan sa aktibidad ang isa sa mga panukalang proyekto ng Albay PPO na tinatawag na “Kaayusan sa Daan, Mababagal na Sasakyan, Manatili sa Kanan.”

Layunin ng programa na magkaroon ng disiplina sa kalsada, paigtingin ang awareness campaign sa mga batas-trapiko at lokal na ordinansa, maiwasan ang mga aksidente sa daan at hindi makahadlang sa paghahatid ng mga pangunahing kalakal.

Tinalakay din ni APSEMO Chief Dr. Cedric Daep ang mga paghahanda para mapanatili ang zero casualty sa gitna ng pagtaas ng alert level status ng bulkang Mayon.

Binanggit ni Daep ang “no entry” advisory sa 6-KM permanent danger zone lalo na sa mga lugar na nakaharap sa southern area dahil sa posibilidad na gumuho ang lava dome ng Mayon.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanda para sa pagva-validate ng populasyong nasa risk for evacuation, planong pangseguridad para sa pag-deploy ng humigit-kumulang 2,000 katao kapag nagsimula na ang paglikas, at mga alalahanin sa sanitation at hygiene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *