First 100 days accomplishment ng gobernador ng Albay, ibibida bukas

LEGAZPI CITY – Nakatakdang ihayag ng gobernador ng Albay ang kanyang mga nagawa na sa loob ng 100 araw bukas ng umaga.

Sa press briefing na isinagawa sinabi ni Gov. Noel Rosal na ibibida nito bukas ang kanyang mga accomplishment simula nang umupo ito bilang gobernador ng lalawigan.

Ayon kay Rosal, nakasentro sa kanyang mga nagawa ay ang social services, pagsasaayos ng health care, infrastructure, government efficiency, economic reform at resiliency.

Maliban pa rito, nai-enroll nito ang Albay sa Universal Health Care na kung saan malaking tulong ito para sa mga Albayano, pag-upgrade ng walong ospital, dagdag na sweldo sa mga nurses, pag-hire na dagdag na doktor, karagdagang kagamitan sa loob ng ospital at sapat na gamot.

Dagdag pa nito, ibibida rin ng pamahalaan panlalawigan ang paglaan ng pondo nagkakahalagang P100M para sa social pension, senior citizens at iba pa.

Mas bibigyan ng prayoridad ng nasabing opisyal ang agrikultura kung saan bibili ng binhi, makinarya, pagpapalakas sa produksyon ng abaca at pagtulong sa mga mangingisda at iba pa.

Kasama rin sa kanyang ibibida ay ang pagbibigay ng P100K sa mga barangay para sa developmental projects at hinain ng mga consumers pagdating sa kuryente sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *