Juban MPS, sinagot ng mahinahon ang reklamo sa checkpoint ng isang netizen na nag-comment sa kanilang fb page

SORSOGON CITY – Sinagot nang mahinahon ng Juban MPS ang isang netizen na nag-comment sa kanilang fb page na inirereklamo ang pagsasagawa ng checkpoint ng mga pulis sa araw ng trabaho na nakaka-abala at dapat din daw intindihin ang mga motorista na ‘expired’ o paso na ang mga lisensya, dahil ang pagkuha ng lisensya ay ‘sobrang mahal,’ at kung mamamasahe naman sa araw-araw ay walang matitira sa kanilang suweldo.

Sinagot naman ng mahinahon at deretsahan ng nasabing himpilan ng pulisya ang naturang netizen.

Sagot ng Juban MPS, ang Pulisya ay hindi nagsasagawa ng checkpoint dahil lamang na dapat nilang striktong ipatupad ito, hindi din dapat katakutan ang checkpoint ng mga motorista.

Una aniya, mandato nila na gampanan ang kanilang tungkulin sa seguridad at katiwasayan ng kanilang nasasakupan. ‘’Sa dinami-dami ng tao sa isang pamayanan, hindi natin alam ang kaisipan ng bawat isa, na maaaring gawin o binabalak gawin lalo na ng masasama ang loob. Sa pamamaraan ng pagsita, o inspeksyon sa isang sasakyan, maaaring isa o dalawa ang puwede nilang mapigilan sa pagsasagawa ng krimen.’’

‘’Tungkol naman sa lisensya, responsibilidad at obligasyon ito ng may-ari o gumagamit ng sasakyan na kumuha ng lisensya at iparehistro ang kanyang sasakyan.

Sa katunayan aniya, mas mahal ang multa at penalidad kapag may paglabag at mahuli kaysa sa magagastos sa pagkuha ng lisensya at pagpaparehistro ng sasakyan.’’

Sa bangdang huli ay mapagkumbabang tinanggap naman ng netizen ang sagot sa kanyan ng Juban MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *