Pinakamaraming namatay sa COVID- 19 sa Camarines Norte naitala sa Daet

CAMARINES NORTE- Naitala sa bayan ng Daet ang pinakamaataas na bilang ng mga namatay sa COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon sa Provincial Health Office, hanggang noong Biyernes, September 9 umaabot na sa 67 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa naturang bayan simula noong 2020 dahil sa COVID- 19.

Sinususundan ito ng Labo na may 46, Talisay 23, Mercedes 21 habang may tig 20 ang Basud at Jose Panganiban.

Nakapagtala naman ng tig 17 ang Vinzons at Paracale, Sta Elena 10, Capalonga 6 habang kapwa may 5 ang San Vicente at San Lorenzo Ruiz.

Sa kabuuan nasa 257 na ang nasawi o 5. 92 percent ng kabuuang naitalang kaso.

Kaya naman mas pinaigting pa ng lalawigan ang pagbabakuna lalo na  sa vulnerable sector tulad ng senior citizen at may co morbidities na madalas tinatamaan ng severe type ng COVID- 19.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang kaninang umaga, wala pa sa 80 porsiento ng mga senior citizen ang nabakunahan kontra COVID- 19.

Sa 46, 754 na target population nasa 35, 382 ang nabakunahan o 75. 7 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *