‘Kabit kuryente’ ng ilang bahay sa mga barangay streetlights, inaaksyunan na ng SORECO Dos

SORSOGON CITY – Tutol ang Sorsogon Electric Cooperative II o SORECO II sa ilang pang- aabuso o pananamantalang ginagawa ng ilang residente na nakikikabit ng kuryente sa mga barangay street lights.

Ayon kay Committee on Public Affairs and Information Chairman Fernando David Duran III, ito ang dahilan kaya’t hinihigpitan na ngayon ng kooperatiba ang pagmemetro ng mga streetlights sa bawat barangay sa lungsod.

Paliwanag ni Duran, ito rin ay isang paraan ng Soreco II upang malimitahan ang kanilang system loss at maiwasan ang pagkakalugi lalo na ngayong mahal ang presyuhan ng kuryente sa Luzon Area.

Kung babalikan, una nang sinabi ng Soreco II na obligado na ang paglalagay ng meter reader sa bawat barangay street lights na siya namang ipinagpaki-usap ng Liga ng mga Barangay na ipagpaliban muna ngayong taon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *