Kaduda-dudang sabon na ibinibenta sa murang halaga, iniimbestigahan na ng DTI Palawan

Iniimbestigahan na ng Department of Trade & Industry (DTI) sa Palawan ang pagbebenta ng murang detergent powder at detergent bar na bagsak presyo.

Ayon kay Persival T. Narbonita, Senior Trade Industry Specialist Business Development Division, hindi na muna umano sila magbibigay ng komento patungkol dito habang ang insidente ay iniimbistigahan pa.

Gayunpamana, inaalam na ng Kagawaran kung sino ang manufacturer ng nasabing produkto at kung ito naka-base.

Mababatid na dalawang residente ng Narra, Palawan ang nagreport sa Brigada makaraang mapagbentahan ng mga sabon na anila’y hindi pinakinabangan dahil sa kaduda-dudang mga sangkap nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *