Kamalayan ng publiko sa No Swimming Zone sa bagasbas beach importante ayon sa MDRRMO-DAET, pagsusubaybay sa mga turista sa baybayin ng dagat, pinaigting 

CAMARINES NORTE- Kamalayan ng publiko sa mga No Swimming Zone sa bagasbas beach importante ayon sa MDRRMO-DAET

Sa panayam ng Brigada News FM-Daet kay MDRRMO officer Santiago Mella noong Semana Santa, sinabi niya na hindi lang dapat inaasa sa gobyerno ang safety ng bawat-isa, bagaman may responsibilidad umano ang gobyerno sa kanyang nasasakupan, hindi pa rin magagawa ng gobyerno na protektahan ang lahat ng mag-isa.

Kaya nakikiusap umano sila na sumunod sa mga babala at mga signages sa bagasbas beach at wag pumunta sa mga pinagbabawal na lugar

Kapag dalawang red flag ang nakalagay, ibig sabihin sarado ito sa publiko at mahigpit na ipinagbabawal ang paliligo rito. Ipinagbabawal din ang paliligo kapag may single red flag kung saan malakas umano ang current ng tubig.

Maaari namang maligo sa parte ng dagat na may yellow flag, indikasyon ito na katamtaman lang ang lakas ng current ng tubig sa lugar. Kalmadong alon naman kapag green flag ang nakalagay kung saan maaari ring paliguan ng mga beachgoers. At kulay purple naman kapag may mga mapanganib na marine life sa lugar katulad na lamang ng mga jellyfish, stingrays at ibang mga isda.

Walang masama sa paliligo sa dagat ngunit bago ito, alamin muna ang mga pwede at ipinagbabawal na gawain upang walang masaktan o mapahamak

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *