Kapabayaan ng ilang construction workers na mag-comply sa basic job requirements, nagdudulot ng kawalan ng government benefits

SORSOGON CITY- Binigyang diin ng isang construction company sa lalawigan ng Sorsogon na madalas na nagiging sanhi ng hindi pagkakatanggap ng government benefits ng ilan sa mga construction workers nito ay ang kapabayaan ng mga ito na sumunod at tumalima sa pangunahing mga kinakailangan sa trabaho.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Engr. Jayjay Ebio, Staff in Charge ng Aremar Construction Corporation, aminado ito na isang rason  ang kapabayaan sa pagcomply ng requirements kaya’t humahantong sa ganitong problema, ito umano ay sa kabila ng paulit- ulit na pag papaalala ng kanilang Human Resources office.

Ipinaliwanag ito ng inhenyero matapos na makarating sa istasyon ng Brigada News FM ang ilang reklamo ng mga contruction workers na wala umanong natatanggap na benipisyo katulad ng SSS.

Pagdepensa nito, sa simula pa lamang ng hiring process ay ipinapaliwanag na sa mga trabahador na may karapatan ang mga ito na mag desisyon kung nais magpakaltas ng sahod para sa SSS o hindi, kung saan ilan sa mga ito ay ayaw mag- avail ng nasabing benipisyo.

Payo ni Engr. Ebio na maari naman tumungo sa kanilang HR Office ang mga manggagawa na may katanungan hinggil sa naturang usapin upang mabgiyan ng maayos na kapaliwanagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *