Karagdagang 42 na kaso ng delta variant sa region 2, naitala sa ika-44 na biosurveillance report ng DOH

Naitala sa Lambak ng Cagayan ang karagdang 42 na kaso ng Delta Variant sa isinagawang ika-44 na Biosurveillance report ng DOH Central Office, UP-NIH at UP-PGC NOONG November 20, 2021.

Ayon sa DOH Region 2, mula sa nasabing bilang ay pinakamarami pa rin ang naitala sa lalawigan ng Isabela na mayroong 22 na kaso, 13 sa Cagayan, 6 sa Nueva Vizcaya at isa sa Quirino.

Ang mga naitalang kaso sa apat na apektadong probinsya sa rehiyon ay pawang nakarekober na maliban sa dalawang nasawi mula sa Camalaniugan, Cagayan at Cordon, Isabela.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa mga apektadong LGU para sa madaliang pag-isolate ng mga kaso.

Samantala, nakatakda namang isagawa ng DOH Region 2 ang Bayanihan Bakunahan sa susunod na linggo kung saan 187,000 individuals kada araw ang target na mabakunahan sa rehiyon.

Nagpaalala naman ang Kagawaran ng kalusugan na mayroon pa ring susundin na phasing sa pagbibigay ng booster dose at sa ngayon umano ay uunahin ang mga Frontline Health Care Workers, Senior Citizens at Persons with Comorbidities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *