Karagdagang irrigation system sa Naga City, nasa proseso na – DA Naga

NAGA CITY – Bilang isa sa mga prayoridad ng Naga City Agriculture Office ngayon, nasa proseso na ang kahilingan na madagdagan ang irrigation system, na maggegenerate ng karagdagang suplay ng tubig sa mga sakahan sa lungsod.

Kung saan sa panayam kay Frank Mendoza, Head ng opisina, sinabing pag-abroba na lamang ang kailangan at maaaring masimulan na pagkatapos ng dalawang taon na ang posibleng magiging pondo ay mula sa labas. Maliban pa riyan nasa pag-aayos din ng ibang irrigation system, at may mga tubo na ring naipamigay sa mga magsasaka na i-kokonek sa naturang system para sa kanilang mga sakahan na halos nasa 360 ektarya ng lupa ang taniman sa lungsod.

Mas layunin kasi ng naturang opisina ang mas kumita ang kanilang mga magsasaka lalo na ang mga maliliit na nagmamay-ari ng sakahan, sa mga malalaki naman ang mas maraming produksyon ng palay bilang pagtugon sa pangangailangan na ngayon ay nasa labing siyam hanggang dalawampot dalawa ang presyo ng palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *