Kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa 297, 16 na panibagong kaso at 12 nakarekober sa tala ng DOH ngayong araw

CAMARINES NORTE – Sumampa na sa 297 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Sa pinakahuling tala ng DOH Bicol, 16 ang panibagong kaso na naitala kung saan 7 kaso ang mula sa bayan ng Daet, 4 ang mula sa bayan ng Labo, tig dalawang kaso sa bayan ng Mercedes at Sta. Elena, at 1 ang mula sa bayan ng Paracale

Habang naitala rin ang 12 na nakarekober sa sakit, walang naitalang pagkasawi at may 40 ang nagnegatibo ang resulta matapos na sumailalim sa swab test

Sa kasalukuyan ang aktibong kaso sa lalawigan ay 94, habang umakyat sa 189 ang nakarekober, nananatili naman sa 14 ang bilang ng mga nasawi

Ngayong buwan ng Abril ang bayan ng Daet ang nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso na may 39 ngayong buwan ng Abril matapos na madagdagan ito ng 7 ngayong araw

Patuloy namang nagpapaalala ang Provincial IMT na doblehin ang pag-i-ingat lalo na at patuloy ang pagtaas ng kaso ng sakit sa lalawigan panawagan rin ng mga ito sa publiko na manatili na lamang sa kanilang bahay kung wala namang pangangailangan na lumabas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *