Kaso ng Dengue sa Naga City umabot na ng mahigit 90

NAGA CITY – Umabot na sa 93 ang kaso ng dengue sa Naga City, mula Enero at hanggang sa buwan ng Hunyo ngayong taon, mas mataasa ito ng 144% kumpara sa 2021 na 38 lamang.

Ito ang inilabas na impormasyon ng City Event Protocol and Public Information Office Head Allen Reondanga.

Sa kanyang pahayag ang pinakamataas na may kaso ay ang barangay San Felipe na may 19;   sa Concepcion Pequeña 11 ;   8 sa Pacol  at  Cararayan 6.

Barangay na may tigli-limang kaso an ang Bagumbayan Sur at Sabang ; may tig aapat namang kaso ang mga barangay ng Calauag, Del Rosario,  Liboton  at Mabolo .

Tigta talong kaso naman ang Barangay Concepcion Grande , Sta. Cruz  at Triangulo.

May tig dalawang kaso naman ang  Abella  at Carolina.

Samantalang ang mga barangay na may tig iisang kaso lamang ay ang Bagumbayan Norte, Balatas, Dayangdang, Igualdad , Lerma, Peñafrancia at Tinago .

Ayon pa kay Reondanga, muling inalerto ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang mga barangay at sana ipatupad pa ang 4S laban sa dengue.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa City Enviroment and Natural Resources Office at Solid Waste Management Office para sa malawakang clean-up drive sa mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *