Anak ni newly- oath Governor Dong Padilla at bagong Provincial Administrator na si Don Eduardo nanawagan ng pagkakaisa sa ilalim ng bagong administrasyon

CAMARINES NORTE- Tulad ng kaniyang ama, nanawagan ng pagkakaisa ang anak ni Gobernador Ricarte “Dong” Padilla at bagong Provincial Administrator na si Don Eduardo Padilla sa ilalim ng bagong administrasyon.

Sa kaniyang closing message sa isinagawang Oath taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal nitong Huwebes, umapela ang nakababatang Padilla sa lahat na makiisa sa mga programa ng bagong administrasyon, tulad ng kalusugan, edukasyon, agrikultura, kabuhayan, pabahay, kuryente patubig at iba pa na ang layunin ay makatulong at makapagdala ng ginhawa sa pamumuhay ng bawat isa.

Isantabi raw sana ang pulitika kahit magkakaiba ng sinuportahang kandidato dahil tapos na ang eleksyon at gawing prioridad ang pagseserbisyo sa bayan.

Tiniyak din nito na bukas ang kaniyang opisina sa anumang maaaring maibigay na tulong.

Huwag rin daw sanang isipin o mahiya sa kaniya bilang anak ng bagong Gobernador.

Sabi pa ng bagong Provincial Administrator na maaari ding iparating sa tanggapan ng Gobernador kung may maranasang pang- aabuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *