Kaso vs ex-PGT finalist na nahuli sa buy-bust ops, inihahanda na!

Inihahanda na ang kaso laban sa dating finalist ng isang sikat na TV talent show matapos mahuli sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna, nitong Biyernes.

Nag-ugat umano ang pag-aresto kay Mark Joven Olvido matapos makatanggap ng sumbong ang Laguna Provincial Police sa ginagawang pagtutulak ng iligal na droga sa lugar.

Nakumpirma naman ng mga pulis ang sumbong matapos sa ikinasang buy-bust operation kung saan nakabili ng droga kay Olvido ang pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober kay Olvido ang tatlong maliit na sachet ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na P2,000.

Kasalukuyan naman nakapiit ang suspek sa Sta. Cruz Municipal Police Station habang inihahanda na ang kaukulang kaso.

Nakilala si Olvido bilang “vape master” dahil sa talento sa pag-vape na hinaluan niya nang pagpapatawa.

Naging finalist ito sa Pilipinas Got Talent noong 2018 at naging bahagi din ng ilang TV shows at pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *