Kauna-unahang Halloween Costume Competition ng San Marcelino gagawin na kada taon

Gagawin na taun-taon ang Halloween Costume Competition ng San Marcelino, Zambales.

Ayon kay Mayor Elmer Soria, kada taon na itong gagawin dahil sa kasiyahang hatid sa mamamayan at naging matagumpay ang kauna-unahang naging pagdiriwang nito ng bayan.

Tumanggap ng 11,000 ang nagkampyon na Ang Magsasaka: Ikatlong Yugto, sinundan naman ito ng Bungkang na tumanggap ng 8,000 at ang Corazon ang unang aswang ay nagwagi ng 7,000.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nasa labing-siyam ang sumali sa kompetisyon at pinili ang tatlong pinakamagagaling na siyang mga nagwagi.

Photo: San Marcelino PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *