Kilohang hindi sakto ang timbang, unregistered at depektibo sa WBB market kinumpiska ng pamunuan

Kinumpiska ng West Bajac-Bajac Public Market, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Trade and Industry at Business Permit and Licensing Office ang mga kilohang hindi sakto ang timbang sa mga ibenebentang produkto sa pamilihan.

Ito ay matapos na may makarating umanong mga reklamo sa market office hinggil sa pandaraya ng kilohan ng iilan.

Ayon kay Market Master Carlo Barawed, kabilang rin dito umano ay ang mga depektibo at unregistered o hindi rehistrado.

Ang mga ito aniya ay kinakailangang dumaan sa calibration bago papayagang matubos sa treasury office.

Umabot naman sa labing-pitong timbangan ang nakumpiska sa ginawang joint operations kahapon sa lumang palengke.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *