Kim Chiu, emosyunal sa natanggap na unang hosting award

Naging emosyunal ang aktres na si Kim Chiu matapos matanggap ang kanyang unang hosting award nang makuha niya ang Best Female TV Host sa 35th PMPC Star Awards for Television para sa pagho-host ng isang noontime show.

Sa isang Instagram post nitong Martes, muling ibinahagi ni Chiu ang kanyang saloobin sa kanyang pinakabagong tagumpay.

Nagpahayag siya sa mga manonood ng “Showtime” at sa kanyang mga tagahanga.

Ayon kay Kim, bagamat hindi niya strength ang hosting, nagpasalamat ang aktres na binigyan siya ng oportunidad para mapakita ang galing niya sa larangang ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *