Kita ng nasa Transport Sector  sa Naga nitong Semana Santa tumaas

NAGA CITY – Sa pagdagsa ng mga tao dahil sa Semana Santa, tumaas din ang naging kita araw-araw ng mga nasa transport sector lalo na ng mga tricycle drivers.

Mas marami kasi ang mga pasahero ngayon na umuwi sa kani-kanilang bayan para sa pag-gunita ng Semana Santa kung ihahambing noong nakaraang taon.

Ito ang naging pagkokompara ni Gil Belen, federation president ng Trimobile Operators Drivers Association sa Naga City.

Sa panayam kay Belen ng Brigada News FM Naga, sinabi nitong may mga pasaherong  inihahatid din sa labas ng lungsod at pagbalik ay may sakay pa rin dahilan para makabawi din sa gastos sa petrolyo.

Malaking tulong ang kawalan na ng restrictions dahil sa COVID-19 at hangad nina Belen na tuloy tuloy na ito para naman gumanda uli ang kita ng mga kasamahan niyang mga trimobile drivers.                

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *