Korte sa Olongapo, ibinasura ang kasong terorismo laban sa 2 Aetas

Ibinasura ng korte sa Olongapo City ang isa sa mga unang kaso ng terorismo sa bansa, na kinasasangkutan ng dalawang Aeta na naakusahang nakipagbarilan sa mga tropa ng gobyerno noong Agosto, ng nakaraang taon.

Nakasaad sa siyam na pahinang desisyon na may petsang July 15 na ipinag-utos ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 97 ang pagpapalaya kina Japer Gurung at Junior Ramos.

Ipinaliwanag ng korte na ito ay dahil bigo ang prosekusyon na patunayan ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa engkwentro na sumiklab sa probinsya ng Zambales.

Naakusahan ang dalawa ng pagiging mga komunistang rebelde.

Binigyang diin rin ng korte na ang pag-aresto sa mga nasabing Aeta, sa kabila ng kawalan ng warrant, ay ilegal dahil tumatakbo lamang sila nang mangyari ang insidente, at hindi pa napatutunayan kung may kinalaman sila sa terorismo.

Bilang resulta, ay ginawang invalid at inadmissible ng korte ang lahat ng mga nakumpiskang ebidensya ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *