Kulang na bilang ng mga bumibiyaheng barko tuwing peak season nanatiling hamon sa PPA Matnog

Hindi sapat na bilang ng mga bumibiyaheng barko, ito ang tinukoy ng Philippine Ports Authority (PPA) Matnog na crucial na aspeto ng kanilang operasyon partikular na tuwing peak season.

Sa panayam ng Brigada News kay PPA Matnog Division Manager Achilles Galindez, inamin nito na talagang kulang ang bilang ng mga barko upang matugunan ang dagsa ng mga biyahero sa mga kahalintulad na panahon.

Ayon ditto, sa ngayon kasi ay mayroon lamang umano silang 12 mga barko na bumibiyahe at nakakapag-generate ng mula 28 hanggang 30 departure bawat araw.

Gayunpaman, sinabi ni Galindez na ang nasabing sitwasyon ang kanilang prayoridad na binibigyang pansin tuwing peak season kung saan humihiling umano sila ng karagdagang mga barko upang matugunan ang dagsa ng mga pasahero sa Matnog Port.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *