Kustodiya sa US soldiers na gagawa ng krimen sa bansa, kasama sa supplementary agreement para sa VFA

Bumubuo ngayon ang Presidential Commission on Visiting Forces Agreement, kasama ang Estados Unidos, ng supplementary agreement na tatalakay sa isyu ng kustodiya sa mga Amerikanong sundalo na gagawa ng krimen habang sila ay nasa Pilipinas.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na base sa orihinal na VFA ay ibinibigay ng Pilipinas ang kustodiya sa U.S. kahit dito sa bansa ginawa ang krimen.

Iginiit ng kalihim na maraming Pilipino ang tutol rito, lalo na sa mga kaso ng rape at homicide.

Nilinaw naman ni Lorenzana na walang kinalaman ang karagdagang kasunduan na binubuo ngayon ng PCVFA kasama ang mga Amerikano sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-retract ang letter of termination sa VFA.

Kasunod ito ng pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa Pilipinas noong nakaraang linggo.

Samantala, ngayong naibalik na ang VFA ay sinabi ni Lorenzana na umaasa siya na magiging full blast ang Balikatan at iba pang small-scale exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa susunod na taon, sakaling matapos na ang problema sa COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *