Kuting sa UK walang kasarian dahil sa wala itong sex organ

Paano kung mag-aalaga ka ng kuting ngunit hindi mo madetermina kung lalaki o babae ito?

Kamakailan ay isang kuting sa UK ang hinahanapan ng mag-aalaga para may matirahan at magakaroon ito ng tutuluyan.

Ang kuting ay pinangalanang Hope na noong una ay inakala ng mga nag-aaruga sa Cats Protection Rescue Center sa Warrington sa UK ay isa itong babae.

Ngunit, nang ito’y ipinasuri sa mga ekspertong veterinarian ay napag-alaman na hindi ito babae pero hindi rin naman daw ito lalaki, kun’di wala itong kasarian dahil sa wala itong sex organ.

Ayon sa Veterinarry ng Cats Protection, karaniwan umano sa mga pusa ay dala-dalawa ang sex organs ngunit, ang sitwasyon ni Hope ay makokonsiderang namumukod tangi sa lahat at hindi pangkaraniwan at dahilan kung bakit wala pa itong scientific term.

Ganunpaman, bago raw ipaampon si Hope ay kailangan muna masiguro ang kalagayan ng pagdumi at pag-ihi ni Hope kung ito’y nasa maayos na estado bago ito tuluyang ipaubaya sa bagong mag-aalaga sa kaniya. |𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *