Lahat ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas, epektibo laban sa Delta variant

Pinawi ng Vaccine Expert Panel ang pangamba ng publiko sa Delta variant ng COVID-19 nang sabihin nito na epektibo ang lahat ng mga bakuna na meron ang bansa laban sa mas nakakahawang uri ng virus.

Sa isang forum, ay sinabi ni VEP member Rontgene Solante na base sa available na datos, ay gumagana ang mga bakuna laban sa highly transmissible variant na unang na-detect sa India noong October 2020.

Bukod  sa mabilis na pagkalat ng Delta variant, ay natuklasan rin na pinahahaba nito ang oras ng pagpapaospital ng pasyente na tatamaan nito.

Bagamat sinabi ni Solante na bagay ito na hindi dapat ipinag-aalala dahil konti lang ang mga kaso sa bansa, ay sinabi niya na kailangan ay naka-heightened alert pa rin tayo, lalo na ang mga tao mula sa ibang mga bansa na pumapasok sa Pilipinas.

Hinimok naman ng isa pang VEP member na si Isagani Padolina ang publiko na magpa-bakuna na kontra COVID-19 para mabawasan ang pasanin ng mga tao sa pagpapaospital at sa transmissibility.

Iginiit ni Padolina na napipigilan ng pagpapabakuna ang mutation ng virus, dahil mawawala ang kakayahan nito na makapag-replicate.

Mababatid na nangyayari lamang ang mutations kapag nagre-replicate ang virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *