UK, exempted sa deployment cap para sa health workers- DOLE

Inexempt ng Pilipinas ang United Kingdom sa 5,000 annual deployment cap ng mga healthworkers. 

Ito ay matapos sabihin ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa UK na bakunahan ang mga Filipino nurses bago sila i-deploy.

Nang tanungin ang kalihim kung baka kulangin ang healthworkers dahil sa nasabing hakbang, sinabi ni Bello na mayroong “oversupply” ng nurses sa bansa. 

Aniya, nasa 4,000 nurses ang bumalik sa bansa dahil natapos na ang kanilang kontrata pero ide-deploy ulit abroad.

Sa ngayon, nasa 544,000 Pinoy migrant workers na ang na-repatriate ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *