Lalaki na sakay ng tricycle, sugatan matapos barilin

Sugatan sa pamamaril ang isang lalaki matapos siyang barilin habang siya’y sakay ng isang tricycle (topdown) sa Proper, Brgy. Maasin, Quezon,Palawan bandang alas-otso kagabi, ika- 27 ng Enero 2023.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si PEDRITO JAMISOLAMIN TEÑAFRANCIA, nasa hustong gulang, na residente ng Lupang Pangako, Brgy. Alfonso XIII, Quezon. Ang pamamaril sa biktima ay ipinaalam sa pulisya ni Kgd. Gadie Narte ng Barangay Maasin na nangyari sa harap ng Barangay Hall ng Maasin.

Tinamaan ng bala sa ibabang bahagi ng puwit ang biktima na dinala sa Ospital ng Palawan. Narekober sa crime scene ang apat na fire cartridge at isang slug ng kalibre kwaretay singko.

Samantala, iniimbestigahan pa ng Quezon Police ang motibo ng salarin sa pamamaril habang patuloy ang paghahanap sa kanya ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *