Lalaki patay, matapos barilin sa San Narciso, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa liblib na lugar ng Sitio Batud Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon nitong Linggo, Marso 10.

Ayon sa report, lumalabas sa imbestigasyon na nangyari ang insidente bandang alas-2:30 ng umaga habang sakay ng motorsiklo ang biktima na kinilalang si Efren kasama ang asawa nito at isang anak na lalaki na sakay din ng isa pang motorsiklo.

Nang marating na ng biktima ang lugar ng insidente ay biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at walang anu-anong pinagbabaril ang biktima at tumakas sa di pa matukoy na direksyon dala ang armas na ginamit nito sa pamamaril.

Ayon kay PCpl Menchero, matagal ng nakakatanggap ng death threat ang biktima.

Samantala, sasailalim naman ang anak ng biktima hinggil sa dala nitong calibre 45, kung may lisensya ito o wala, habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *