Sapat na alokasyon ng COVID-19 vaccines para sa mga paalis na OFWs, ipinanawagan ni Sen. Go

Umapela si Senador Christopher Bong Go kina Pangulong Rodrigo Duterte, Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. at iba pang opisyal na nangunguna sa National Vaccination Program na maglaan ng sapat na COVID-19 vaccines sa mga Overseas Filipino Workers kabilang ang mga seafarers.

Ayon kay Go dapat din ikonsidera ang brand ng bakuna na tanggap sa bansang pagtratrabahuan nito. Paliwanag ng senador may ilan sa mga OFWs ang nag-aalinlangan na magpabakuna dito sa atin dahil may ibang mga bansa na naghahanap ng specific na brand, bagama’t napatunayan namang ligtas at epektibo ang mga bakunang mayroon sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Go na karamihan din sa ating mga kababayan ay kailangan nang mai-deploy dahil kung hindi ay mawawala ang trabahong naghihintay sa kanila sa ibang bansa.

Dahil dito naniniwala si Go na kailangan mag-allocate ng bakuna na angkop para sa kanila na tanggap sa kanilang countries of destination habang patuloy na sinusunod ang requirements para sa mga bakuna mula sa COVAX facility pati na ang ipinatutupad na vaccine prioritization order ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *