Go hinimok na paigtingin ang inter-agency coordination ng mga law enforcement upang maiwasan misencounters

Hinimok ni Senador Christopher Bong Go ang mga law enforcement agencies na paigtingin pa ang inter-agency coordination upang maiwasan ang mga misencounters.

Ginawa ni Go ang pahayag sa kanyang talumpati sa ginanap na Senate committee hearing sa pangunguna ng Committee on Public Order and Illegal Drugs.

Ayon kay Go muntik na naman magka-engkwentro ang PNP at PDEA noong Mayo 21, ilang buwan matapos ang madugong misencounter sa isang mall sa Quezon City na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pulis at dalawang PDEA agent.

Ang masakit dito ayon kay Go ay kapwa buo ang suporta nila sa dalawang ahensiya at sa katunayan lahat ng funding requirements at operational requirements ay ibinibigay sa mga ito. Inihayag din ng senador na talagang ikinalungkot ni Pangulong Duterte ang pangyayaring engkwentro ng dalawang grupo at ayaw nitong mangyari ang kahalintulad na insidente.

Tiniyak din ni Go mariin niyang susuportahan ang anumang measures na isusulong ng senado na magpapalakas ng ugnayan ng mga law enforcers para maiwasan ang mga misencounter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *