Lalaki sa Brazil, isinugod sa ospital matapos i-retoke ang sariling ilong

KASALUKUYANG nagpapagaling sa isang pagamutan ang isang lalaki sa San Paolo, Brazil matapos itong isugod sa  ospital dahil sa namamaga at na impeksyong ilong.

Batay sa kwento ng pasyente, dahil sakanyang pagnanais na mapaganda ang hugis at hubog ng kanyang ilong nang hindi na gagastos pa ng malaki, isinagawa niya sakanyang sarili ang “rhinoplasty procedure” sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa video na kanyang napanuod sa Youtube.

Gamit ang rubbing alcohol bilang disinfectant, super glue at anesthesia para sa hayop, mag-isa niyang niretoke ang kanyang ilong, ngunit makalipas ang ilang araw, ang sana’y pagnanais na mapaganda ang itsura ay nag resulta ng peligro sakanyang kalusugan.

Na-impeksyon at namaga ang kanyang ilong daan upang dalhin siya sa  Campo Limpo Emergency Care Unit.

Ayon sa mga sumuring doktor, mabuti na lamang anila at naagapan ang kondisyon ng pasyente dahil kung ito ay napabayaan, maaari itong lumala at maging sanhi ng mas malaking banta sa kalusugan.

Dahil sa insidente, nanawagan din ang Brazilian Society of Plastic Surgery sa publiko na huwag gagayahin ang ginawa ng lalaki dahil ang rhinoplasty ay isang delikadong operasyon na tanging espesyalista lamang ang maaaring gumawa.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *