Pagbaha at pagguho ng lupa naitala sa lalawigan ng Camarines Sur at Albay noong nakaraang Sabado- OCD BICOL

LEGAZPI CITY – Hindi bababa sa anim na insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa ang naiulat sa mga lalawigan ng Camarines Sur at Albay noong Sabado, Ito ang inihayag ni Gremil Naz ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense sa Bicol (OCD-5) matapos makaranas ng matinding pgbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Bicol Region dahil sa Tropical Depression Ester.

Ayon kay Naz, ang malakas na pag-ulan ay dulot ng Tropical Depression Ester, na naunang matatagpuan sa silangan ng Itbayat, Batanes.

Ang mga apektadong munisipalidad ay ang Nabua, Baao at Buhi sa lalawigan ng Camarines Sur, at Guinobatan, sa lalawigan ng Albay.

Aniya, limang kalsada sa mga bayan ng Nabua, Baao, at Buhi sa Camarines Sur ang naiulat na hindi madaanan dahil sa pagbaha.

Pinayuhan ng OCD Bicol ang mga local government unit na may mataas na susceptibility sa pagbaha at pagguho ng lupa na subaybayan ang mga update at magpatupad ng mga countermeasures.

Sinabi ng opisyal, tuloy-tuloy naman ang ginagawang monitoring at koordinasyon sa mga disaster risk reduction management offices ng mga apektadong probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *