Lalaki sa Miami, sagabal sa daloy ng trapiko dahil sa paurong na jogging

ISANG lalaki sa Miami na si Alex Mesa, 44 years old, ang inisyuhan ng ticket at inakusahan ng isang pulis dahil sagabal umano ito sa daloy ng trapiko, ang kanyang paraan kase ng pagtatakbo imbes na pasulong, tumatakbo si Mesa ng paurong.

Ayon kay Mesa matagal niya nang ginagawa ang backward running dahil nagdudulot umano ito sa kanya ng magandang kalusugan, maayos na daloy ng pag iisip at magaan na pakiramdam.

Dagdag pa ni Mesa na maingat naman at sinisiguro umano  niyang hindi siya mababangga o hindi sya makakabangga kaya nagulat siya nang siya ay sinaway ng pulis at inisyuhan ng ticket.

Wala namang nagawa si Mesa kundi sundin ang pasya ng pulis ngunit ayon kay Mesa hindi nya parin ititigil ang kanyang nakagawian at patuloy nya parin itong gagawin dahil dito siya masaya.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *