Lalaki, sugatan matapos barilin ng magkapatid na suspek sa Ligao City; 2 lalaki, arestado dahil sa ilegal gambling sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Nagpapagaling pa hanggang sa ngayon ang isang lalaki matapos itong barilin ng magkapatid na suspek sa P-1, Brgy. Cavasi, lunsod ng Ligao sa lalawigan ng Albay.

Kinilala ang biktima na si Jayson Topasi Pedres, 31-anyos, residente ng nasabing barangay habang habang ang magkapatid na suspek naman ay sina Leo Raposon Bonde, 40-anyos, tricycle driver at si Salvador Raposon Bonde na parehong residente ng Brgy. Tula-Tula Pequinio ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag sa telepono ang Ligao CPS mula sa isang concerned citizen upang i-report ang nangyaring pamamaril sa nasabing lugar.

Agad namang nagpadala ang mga personahe ng nasabing himpilan ng pulisya upang i-verify ang insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid nang biglang dumating ang mga armadong suspek.

Pinaputukan umano nang dalawang beses ang biktima dahilan para magtamo ito ng mga tama ng bala sa ulo.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Tula-Tula habang ang biktima ay isinugod ng rumespondeng CDRRMO patungo sa ospital sa Brgy. Tuburan, Ligao City para sa pagpapagamot.

Nagsagawa ng hot-pursuit operation ang mga tauhan ng Ligao CPS para sa pagdakip sa mga suspek.

Samantala, inaresto ng mga otoridad ang dalawang lalaki sa magkahiwalay lugar sa bayan ng Guinobatan, Albay dahil sa ilegal gambling.

Unang naareto si Marlon Navera Clar, 49-anyos, construction worker, mula sa Marketsite, Brgy. Poblacion ng Guinobatan, habang naaresto rin ang isa pang suspek sa P-2, Inamnan Grande, Guinobatan, Albay.

Ayon sa report, pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay ang nasabing operasyon na humantong sa pagkakaaresto dahil sa paglabag sa RA 9287 (Illegal Number Games) sa pamamagitan ng pangongolekta ng pera na taya sa mga tauhan ng CIDG na umaktong poseur bettor.

Nakumpiska ang isang sari-saring kulay na notebook na may iba’t ibang kumbinasyon ng numero at kaukulang mga taya ng pera; dalawang ‘Peryahan ng Bayan’ collection report form na may magkaibang kumbinasyon ng numero at katumbas na taya ng pera; nagkakahalagang P243 marked money kasama ang itim na ballpen; at isang sling bag na minarkahan bilang “diesel born”.

Agad na dinala ang mga naarestong suspek sa CIDG Albay PFU para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *