Las Piñas RTC, pina-aaresto si Bantag at apat na iba pa re: Percy Lapid slay case

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Las Piñas City Regional Trial Court laban kay dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at apat na iba pa kaugnay ng pagptay sa broadcast journalist na si Percy Lapid noong Oktubre.

Bukod kay Bantag, iniutos ng Las Piñas RTC Branch 254 ang pag-aresto kay dating BuCor deputy officer Ricardo Zulueta, Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan, at isang nagngangalang Orlando.

Ang warrant ay nilagdaan ni Presiding Judge Harold Huliganga.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaso.

Nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 laban kina Bantag at Zulueta dahil sa pagpatay kay Villamor.

Matatandaang si Bantag at Zulueta ay kinasuhan ng Department of Justice prosecutors ng 2 counts ng pagpatay noong Marso.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *