LeBron James, kinokonsidera raw ang pagreretiro bago ang 2023-24 NBA season

Matapos malaglag sa Western Conference Finals, kinokonsidera na raw ni Los Angeles Lakers star LeBron James ang pagreretiro bago ang 2023-24 NBA season.

Ayon kay NBA insider at TNT sideline reporter Chris Haynes, pinag-iisipan umanong mabuti ni James kung siya ay babalik para sa kaniyang ika-21 season sa NBA.

May dalawang taon pa si LeBron sa kanyang kontrata sa Lakers.

Matapos ang kaniyang ika-20 season sa NBA, itinuturing ng marami na si James ang greatest of all time GOAT sa basketball, mayroon na itong apat na kampeonato at apat na Finals MVP.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *