Legazpi City Veterinary Office, pinaalalahanang muli ang mga nag-aalaga ng aso patungkol sa responsible pet ownership

LEGAPZI CITY – Muling pinaalalahanan ng Legazpi City Veterinary Office ang mga nag-aalaga ng aso na maging responsible sa pag-aalaga.

Ayon kay City Veterinary Chief Officer, Dr. Emmanuel Estipona, may mga natatanggap na silang mga report sa mga barangay na mayroong mga pagala-galang aso.

Sa oras na malagyan umano ng dog tag o name tag ay madali nang matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng nito at kapag nakitang gumagala, maaari na ring makasuhan ang mga may-ari.

Dagdag pa nito, nakakapagtala rin ang tanggapan ng road accidents dahil sa mga pagala-galang aso.

Maliban pa rito, kasama na rin sa responsableng pag-aalaga ang pagpapabakuna sa mga ito upang masiguro ang kaligtasan.

Sinabi rin opisyal, ang matutukoy na may-aring may pagala-galang aso ay mapapatawan ng multa na aabot sa PHP 700 – PHP 1000 at sakaling hindi makakapagbayad sa loob ng 72 hours ay mapapatawan umano ng criminal case.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *