Lergazpi City Health Officer, tumanggap ng parangal mula sa Malacañang

LEGAZPI CITY – Tumanggap ng parangal si Legazpi City Health Officer, Dr. Fullbert Gillego sa kanyang pagdalo kahapon ng umaga sa Palasyo ng Malacañang para sa 2022 Outstanding Government Workers Awards Rites.

Pinarangalan si Gillego bilang Presidential Lingkod Bayan Awardee, Dangal Ng Bayan Awardee at CSC Pag-Asa Awardee, kung saan personal itong inabot sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Gillego, isang napakahalaga at minsan lamang ang pagkakataong makilala mismo ang pangulo at pagpapatunay kung ano ang ibig sabihin ng gawain ng mga lingkod-bayan.

Dagdag pa nito, sa 17 taong pagsusumikap, dedikasyon sa trabaho, napaka-inspiring at rewarding para sa kanya ang serbisyo ng gobyerno na walang kapantay.

Pinasasalamatan nito ang Maykapal sa ibinigay na magandang pagkakataon na pagsilbihan ang kanyang bayan.

Maliban pa rito, pinasalamatan din nito ang pangulo sa pagbibigay ng oras upang parangalan ang lahat ng mga awardees sa kabila ng kanyang napaka-hectic na schedule at sa talumpati niyang ipinakita at ipinadama kung gaano pinahahalagahan ang mga makabuluhang kontribusyon ng mga manggagawa sa gobyerno.

Kasama rin sa kanyang pinasalamatan ay si CSC Commissioner Atty. Lizada sa taos-pusong pagpapahalaga sa mga serbisyong ibinibigay ng mga nasa serbisyo publiko.

Maging ang mga opisyal ng CSC National Committe on Honor and Awards; CSC Bicol regional director, Daisy Punzalan- Bragais; ARD Sharon Farida Flores sa walang patid na suporta sa tatlong Bicolanong awardees; at sa iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *