LGU Camalig, nangakong magbibigay ng suporta sa mga paaralang mayroong mga vocational courses

LEGAZPI CITY – Nangakong magbibigay ng suporta ang Local Government Unit ng Camalig sa Albay sa mga paaralang mayroong mga vocational courses.

Inaasahan naman ng alkalde ng Camalig na si Carlos Irwin Baldo Jr. ang isang enhanced skills drive para sa mga mag-aaral ng Camalig.

Ayon kay Baldo, kailangan umanong mag-develop ng mga skills dahil hindi umano sapat na ang mga mag-aaral ay nag-aaral lamang.

Dapat umanong muling likhain ang learnings ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapataas ng intellect ng mga ito gamit ang mga kasanayan.

Nakipagpulong naman kay Baldo ang mga faculty member ng Bariw National High School (NHS) upang talakayin ang layunin ng paaralan na mag-alok ng mga kursong Caregiving at Hilot Wellness NC II upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga programang K-12 Technical- Vocational- Livelihood (TVL).

Kaugnay nito, nangako naman ang LGU-Camalig na magbibigay ng suporta sa paaralan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga alternatibo at estratehiya upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Alinsunod dito, muling iginiit ni Gender and Development (GAD) Focal Person at Camalig Training Center (CTC) Administrator na si Chyrel San Andres, ang layunin ng lokal na pamahalaan na gawing Technical-Vocational (TechVOC) Center ang CTC na nag-aalok ng NC II short-term courses na maaaring magpatalas sa mga indibidwal na mag bo-boost sa bokasyonal at mapalakas ang mga oportunidad sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *