DSWD Bicol, bumisita sa evacuation centers sa Camalig, Albay para suriin ang mga economically displaced na pamilya

LEGAZPI CITY – Bumisita sa mga evacuation centers sa Camalig, Albay si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V Regional Director, Norman S. Laurio para suriin ang mga economically displaced na pamilya.

Binisita ni Laurio ang mga pamilyang pansamantalang naninirahan sa mga evacuation centers sa sa Brgy. Quirangay, Camalig, Albay.

Ito ay para suriin ang kapakanan ng mga bakwit at personal na mamigay ng mga pakete ng pagkain sa anim na raan dalawampu’t dalawang (622) economically displaced na pamilya na naninirahan sa lugar.

Ayon kay Laurio, mayroon umanong sapat na pagkain at kaagapy umano ang DSWD upang ibigay ang pangangailangan ng mga bakwit.

Ang relief distribution ng food packs naman ay naganap sa pamamagitan ng coordinated efforts ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Municipal Agriculture Office (MAO).

Nagbigay rin ng mensahe ang Alkalde ng Camalig na si Carlos Irwin G. Baldo Jr. at pinasalamatan ang DSWD sa walang sawang suporta nito sa pangako ng LGU-Camalig sa pagsusulong ng kapakanan ng mga apektadong komunidad sa panahon ng krisis at iba pang kaugnay na kalamidad.

Nagkaroon naman ng aktibidad na nauugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.

Ayon naman kay MDRRMO Chief, Rommel Negrete Jr., PhD, JD, ang kahalagahan umano ng pag-unawa sa disaster resilience at mga gawain nito ay upang palakasin ang pakikipag-ugnayan ng komunidad sa pagsunod sa disaster management at sa mga patakaran nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *