LGU Mercedes nagpatawag ng pagpupulong para pag usapan ang posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar

CAMARINES NORTE- Nagpatawag ng pagpupulong nitong Biyernes, May 26, ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte para pag usapan ang mga gagawing paghahanda kaugnay sa Super Typhoon Mawar o Betty

Pinangunahan ni MDRRMO Head Filjohn Tychingco at Sangguniang Bayan Committee on Disaster Coun. Jude Hernandez ang pagpupulong na dinaluhan ng mga national government agency at ilang head of office ng LGU.

Dumalo sa pagpupulong ang Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Department of Education, Bureau of Fire Protection at iba pa upang ilatag ang kanilang mga ginagawang paghahanda.

Samantala, naka- alerto na umano ang PNP bilang paghahanda sa bagyo epektibo simula 12:01 ng May 26.

Ayon kay PCapt Rosalinda Tenzo, Deputy Chief of Police ng Mercedes Municipal Police Station nagkaroon na sila ng accounting of personnel.

Mababatid na inalerto na rin kahapon ng Police Regional Office 5 ang lahat ng unit commander para gawin ang mga kinakailangang disaster preparedness measures upang matiyak ang zero- casualty kaugnay sa mga pag ulang posibleng hatid ng bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *