LGU Mercedes namahagi ng relief goods sa mga evacuees kahapon

CAMARINES NORTE- Namahagi ng relief goods sa mga evacuees ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte kahapon.

Sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office nasa 16 na pamilya at 70 indibidwal ang dinala sa mga evacuation center sa kasagsagan ng bagyong Karding.

Nasa 12 pamilya at 53 indibidwal ang inilikas sa Mercedes High School habang 2 pamilya at 8 indibidwal ang dinala sa Barangay Hall ng Del Rosario.

Isang pamilya naman na may limang indibidwal ang inilikas sa Day Care Center ng Barangay 5 at isang pamilya rin na may apat na indibidwal ang inilikas naman sa Lope Manlangit Elementary School sa Barangay Apuao.

Nakauwi na rin sa kanilang tahanan ang tatlong mangingisda na nag shelter sa Butawanan, Siruma, Camarines Sur.

Ang tatlo pang mangingisda mula sa Barangay San Roque ay hindi pa matukoy ang kinaroroonan hanggang kahapon.

Pumalaot ang mga ito noon pang September 19.

Habang may dalawang iba pang mangingisda mula sa San Roque at Manguisoc ay hindi pa rin nakakauwi.

Nagsasagawa pa ng Post Damage Assestment Needs Analysis o PDANA ang LGU hinggil sa posibleng pinsala na idinulot ng bagyo kahit hindi naman ito gaanong nakaapekto sa lalawigan.

Dalawang motorized banca ang totally damaged habang walo naman ang paryially damaged sa Barangay Caringo.

Wala ring naiulat na pagbaha at landslide sa naturang bayan at hindi rin nawalan ng transportasyon.

Functional din ang komunikasyon, serbisyong patubig at kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *