Libreng kabaong, namimigay ng libreng kabaong

Mamimigay ng libreng kabaong ang Angeles City Government sa mga mahihirap sa lungsod.

Ayon kay City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., hindi man anya ito usual na klase ng tulong, subalit ito ang realidad.

“It may sound unusual, but this is the reality. May mga kababayan po tayo na humaharap sa pagsubok na walang perang pampalibing o pambili ng kabaong para sa namatay nilang mahal sa buhay,” ani Lazatin.

Bukas ang programa para sa mga residente ng lungsod na matatawag na poorest of the poor.

Kailangan lang ang ilang dokumento para maka avail ng libreng kabaong, tulad ng Death Certificate, Barangay Certificate of Indigency, at referral letter mula sa City Social Welfare and Development Office.

Sa ngayon merong 62 caskets na available ang Angeles city government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *