Libreng operasyon sa mga bingot, ngongo, isasagawa sa So.Cot

KORONADAL CITY- MAGSASAGAWA ang provincial government ng South Cotabato katuwang ang Advance Craniofacial Project Philippines Inc at Smile Train ng libreng operasyon para sa mga may cleft lip at cleft palate o mga bingot at ngongo.

Ito ay isasagawa sa Norala District Hospital sa February 20 hanggang sa February 23, 2023.

Ang operasyon sa mga may cleft lip ay bukas sa mga may edad 4 months old pataas habang ang cleft palate operation ay para naman sa mga 1 year old hanggang 25 years old.

Kabilang sa mga requirements ay ang birth certificate at certificate of indigency mula sa barangay.
Para sa dagdag na impormasyon at mga katanungan, makipag-ugnayan lamang kay Miss Mae sa 0917 673 6239.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *