DILG Bicol, kinumpirma ang pagdating ni Sec. Abalos sa Albay

Sa mga nakalipas na araw ay nagkaroon ng mga usapin sa Albay tungkol sa sinasabing may magbabalik na opisyal na iniuugnay din sa umano’y pagpunta ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, Jr. sa lalawigan.

Sa isang text message, kinumpirma ng mismong opisyal sa Brigada News FM Legazpi na pupunta nga siya sa Albay, ngunit hindi niya tinukoy kung sa darating na Biyernes o Sabado, at hindi rin sinabi ang pakay.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ng DILG Bicol na darating nga alin man sa nabanggit na araw si Abalos ngunit para umano ito sa BIDA program ng central office.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Legazpi sa alternative focal person for HAPAG program ng DILG Bicol na si Jute Balbedina, sinabi niyang mayroong aktibidad na isasagawa ang central office ngunit wala pang ipino-forward sa kanyang impormasyon tungkol sa pagdating ni Abalos sapagkat mayroon umanong committee na nag-aasikaso para rito.

To follow na lamang umano kung mayroon pang ibang agenda ang opisyal sa kanyang pagbisita sa lalawigan.

Komento naman ng ilang mga Albayano tungkol sa mga kumakalat na social media posts ay magbabalik umano sa puwesto si dating Albay Gov. Rosal na pinatalsik dahil sa isang disqualification case na isinampa laban sa kanya, ngunit marami naman ang tumutol at nagpakawala rin ng komentong “fake news” umano ang kumakalat sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *