Limited face to face classes sa bicol university hindi lahat ng courses ayan sa SUC President Arnulfo Mascarinas

LEGAZPI CITY – Planu ng Bicol University (BU) na magpatupad ng Limited Face to Face Classes sa ikalawang semester o buwan ng Enero taong 2022.

 Ito ang inihayag ni State University and Colleges (SUC) Dr. Arnulfo Mascariñas, ang Presidente ng BU sa Brigada News Fm Legazpi. Ayon kay Mascariñas, hindi lahat ng program o kurso ay magsasagawa ng limited face to classes sa nasabing Unibersidad.

 Aniya, tanging uunahin muna nito na magpatupad ng face to face classes ay mayroong laboratory classes ng nabanggit na paaralan. Kabilang lamang sa magpapatupad nito ay ang mayroong kurso ng Engineering, Architecture, technology, Agriculture and forestry, at iba pang courses na lab subject na BU campus.

 Gagawa rin ng retrofitting ang bawat courses ng Unibersidad alinsunod sa guidelines ng IATF, CHED at DOH.// Sinabi ng opisyal, kailangan aprobahan muna ng board of regents ang ginawang guidelines upang ipatupad at makapagsimula ng limited face to face classes sa Bicol University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *