Mga subscribers, maaari nang mapanatili ang lumang mobile number kahit lumipat ng ibang network

BICOL – MAYROON nang opsyon ang mga subscribers sa bansa na mapanatili ang kanilang lumang mobile phone number kahit pa lumipat ng ibang network o service provider.

Mababatid kasi na natuloy na ang pinakahihintay na commercial roll out ng bagong batas na RA 11202 o Mobile Number Portability Law na matagal ding naudlot dahil sa pandemya.

Ayon kay NTC-Bicol OIC Regional Director Engr. Samuel Sabile, sa ilalim ng batas, maaari nang lumipat ang isang subscriber sa ibang network gayundin lumipat mula sa postpaid papuntang prepaid o vice versa nang hindi na kinakailangang magpalit ng mobile number.

Bibigyan din ng kalayaan na pumili ng kanyang magiging service provider ang isang consumer pero gagamitin pa rin ang kanyang mobile number portability (MNP).

Nakasaad pa sa lifetime cellphone act, kailangan lamang irehistro sa telecommunication company na kanyang napili ang kanilang MNP.

Ati sa pa umano sa pinakamahalagang feature ng batas ay pagiging “free of charge” o libre ng MNP.

Paliwanag pa ng opisyal, bukod sa promosyon ng healthy competition at mahikayat ang mga nasa telco industry na pagbutihin ang kanilang serbisyo, isa sa mga pinaka layunin ng batas ay ang protektahan ang kapakanan ng mga subscribers na hindi na masaya sa serbisyo ng kanilang service provider.

Samantala, nakasaad din sa Mobile Number Portability Law na  pagmumultahin ng hanggang P1 milyon at revocation ng prangkisa ang isang telecom kapag inipit ang benepisyo ng MNP sa isang subscriber sa loob ng 24 oras matapos kumpletuhin nito ang kanyang aplikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *