Special Investigation Task Group (SITG) binuo ng PNP Bicol kaugnay sa Police Colonel na nanakit umano ng pulis

LEGAZPI-Nanawagan ang Police Regional Office V sa publiko na huwag munang bumuo ng sariling konklusyon kundi hayaang mag-imbistiga ang PNP sa insidente umano ng pananakit o panghaharass sa isang pulis ng isang Police Colonel sa lalawigan ng Albay.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Police Major Malu Calubaquib, tagpagsalita ng PNP Bicol, bumuo ang pnp ng Special Investigation Task Group upang na tutuk sa nasabing isyu base na rin sa derektiba ni PNP Chief PGen Dionardo B Carlos, hepe ng Pambansang Pulisya at PNP Bicol Regional Director PBGEN Jonnel C. Estomo.

Nilinaw din nito na personal na binisita ni PNP Chief kahapon ang biktima na si PMSG Ricky S Brabante na nakatalaga sa Aviation Security Group, para bigyan ng tulong pinansyal at pangako na sasagutin nito lahat ng gastusin sa pagpapagamot.

Maging ang police colonel na tinuturong nasa likod nang pananakit at nangharass na si  PCol. Dulnoan D. Dinamling Jr., nakatalaga bilang Regional Commander ng Aviation 5, ang kinausap na rin at kasalukuyang nasa holding area ng Camp Crame matapos na isibak sa pwesto.

Ayon kay Calubaquib, posibleng maharap sa kasong administratibo si Dinamling at masampahan pa ng ibang kaso kung sakaling mapatunayan ang ginawa nito.

Sa pinalabas naman na opisyal na pahayag ng PNP Bicol, hindi umano nila palalagpasin at pinahihintulutan ang karahasan at pananamantala sa loob ng organisasyon at lalong paiiralin ng pamunuan ang pantay na pagtingin at respeto sa karapatan ng bawat tauhan nito ano man ang katungkulan at rango.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *