Localized thunderstorms, magpapaulan sa Mindanao

Patuloy ang mga pag-ulan ngayong hapon sa malaking bahagi ng Mindanao dahil pa rin sa localized thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, heavy to intense rains ang mararanasan sa ilang panig ng Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN at Davao Region.

Samantala, mababa naman ang tyansa ng ulan ngayong hapon sa halos buong Luzon at Visayas.

Dahil dito ay asahan na ang mas mainit at maalinsangang panahon dulot ng easterlies.

Samantala, wala naman namomonitor ang PAGASA na panibagong Low Pressure Area o anumang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *